'Lia?' Hinablot nya yung braso ko at napatigil ako sa paglalakad. Hinarap ko sya. 'Lia? Kanina ka pa tahimik. Ano bang nangyari? May problema ba?' HA?! MAY PROBLEMA BA? Aalis ka't iiwan mo ko at hindi ka magpaparamdam for two years, tapos bigla kang sisipot na parang magic tapos magsasalita ka na parang hindi nangyari yung iniwan mo ko for two years tapos ang itatanong mo sa kin, "MAY PROBLEMA BA?" Anong klase 'to? Pinigilan kong sumigaw in frustration. 'ANO BANG GUSTO MO?' Oops, lumabas na, pero hindi ko na binawi, at wala rin naman talaga akong inclination na bawiin yun e. I was too mad to care. Parang nagulat siya at natigilan. Inalis ko yung kamay nya sa braso ko. 'Anong gusto mo, update? O sige. Pumasa akong blackbelt, pumasa akong college, nag-varsity, nakapasang national team, nag-debut. O ayan. Pero sa bagay, hindi mo nga naman malalaman yan, di ba? Kasi ni papel na walang sulat e wala kang ipinadala sa kin. Mawawala ka ng two years, Alex, tapos babalik ka na parang walang nangyari? Ano bang ine-expect mo?' Hinawakan nya ulit yung braso ko. Alam ko na nag-iisip siya, dahil yung mukha nya e nawalan ng expression. 'Halika, mag-kape muna tayo.' ANO?! Sinigawan na kita't pinamukha ko na sa 'yo kung anong ginawa mo sa kin at halos sirain mo na yung pag-iisip ko tapos ang masasabi mo lang e 'MAGKAPE MUNA TAYO?' Pero hindi ako pumalag kasi alam ko na hindi siya papayag na hindi ako sumama, kahit na pagod na ako. Alam ko rin na may mga bagay kaming dapat pag-usapan. Two years worth of issues na dapat pag-usapan. Pinaupo niya ako sa labas ng Starbucks'. Sa ganung oras wala na masyadong dumadaan. Sa ngayon, tinitignan ko siya, bumibili ng kape para sa 'ming dalawa. Naramdaman ko na unti-unti nang nag-aadjust yung utak ko sa fact na talagang nandito na si Alex at nandito ako sa labas ng Starbucks' habang bumibili siya ng kape sa loob. Inisip ko... Ang sakit ng ginawa niya... Minahal ko siya tapos unti-unti nyang kinalimutan na nag-eexist ako... LIMANG TAON - simula nung una ko syang makita nung second year, hanggang ngayon na eighteen na ko siya ang minahal ko tapos... Iniwan nya lang ako. Nawala sya sa buhay ko. Ngayon nandito ulit siya... Then suddenly, may na-realize ako. Nalungkot ako. Eto na sya, palabas na, dala-dala yung mga kape. Umupo sya at alam ko na ako muna ang dapat magsalita. Humigop ako ng konting kape. 'Sorry kung nasigawan kita kanina... Yung mga sinabi kong yun - ' 'Alam ko naman na yun talaga ang nararamdaman mo e.' Damn. 'Anyway... Tama ka. Pero there are things you have to understand...' Umoo siya. 'Naalala mo yung puno sa tapat ng gym?' Ngumiti siya, at alam kong naaalala niya. 'Di ba dun tayo lagi nakatambay? Dun tayo nangarap... Na sa debut ko, kahit anong theme e escort kita at magsasayaw tayo, na sa black belt promotion ko e lalabas tayo nung mga dati nating teammates, na kapag nag-try akong mag-national team e ikaw ang magtuturo sa kin...' Uminom ako ng konti bago ako tumuloy. Nagsmile ako. 'You'll be pleased to know na nagkatotoo yun lahat. Nag-debut ako, nag-blackbelt at naka-national team. Pero somehow... Somehow kahit natupad ko lahat yun, hindi ako naging masaya. Pagkatapos kong mag-national team, umiiyak ako. Nung debut ko, nung kaisa-isang araw na dapat masaya ako, umiiyak rin ako. Bakit? Kasi hinahanap kita.' Nararamdaman ko na nagluluha na yung mga mata ko, pero hindi sila pumapatak. 'Iniisip ko, "ano kayang ginagawa niya? Iniisip niya rin kaya ako? Sino kayang kasama niya? NASAAN KA NA?" Ang sakit. Ang sakit... Iniwan mo ko. Nasaan ka nung nagsasayawan na kami nung debut ko? Nasaan ka nung tinanggap ko yung black belt ko? Nasaan ka nung nalaman kong nakapasa ako sa qualifier? Wala ka Alex. Hindi mo nakita... Natupad silang lahat!' Pumatak na yung mga luha ko nun, pero hindi ko sila pinunasan. Kailangan niyang makita kung paano niya ako sinaktan. Kailangan niyang makita kung gaano ako nasaktan. 'Pero hindi ko na ibabalik sa 'yo yun, Alex. Nag-suffer ako mag-isa. Pero hindi pa rin kita ma-blame dun kasi pareho lang naman tayo, di ba? Pareho lang tayong nasaktan. Napansin ko rin naman na puro tungkol lang sa kin yung mga pinangarap natin dun sa ilalim ng puno... Debut ko, promotion ko, qualifier ko. Tinupad ko yun. Pareho lang tayong nangarap, di ba? Yun nga lang, nilayo ka sa kin ng pangarap mo. Dinala ka dun, sa Korea. Pero hindi mo na mababago yun. Alam ko na kung kaya mong gawin yun ng hindi ako sinasaktan...' Tumigil na ako at nagpunas ng luha. Nasabi ko na yung gusto kong sabihin. It's his turn to speak. 'Lia... Alam ko na nasaktan kita. Pero hindi ko sinadya yun... Akala mo ginusto kong mawala habang nangyayari yun lahat sa'yo? Hindi. Pero minahal kita... Two years akong nagtiis na hindi ka guluhin... Tinulungan kitang kalimutan ako.' 'Pero nandito na ko, Lia. Hindi na ako mawawala.' Hindi nya na kailangan diretsahin. Alam ko na hinihingi niya na yung chance na maging kami na, finally... Ngumiti lang ako, kahit nalulungkot ako. Hindi pa niya matanggap, no? 'Alex, parte ka na ng buhay ko. Honestly, hindi ko ma-imagine kung ano ako ngayon kung hindi ka dumating... Tinitignan kita ngayon Alex. Pero hindi ka na yung Alex na minahal ko, at hindi na rin ako yung Lia na minahal mo. Pareho na tayong nagbago.' Alam ko na nasusundan niya yung sinasabi ko, dahil yung expression nya ay parang hindi ko na mabasa bigla... 'Alex...' Hindi ko na kailangang sabihin, pero sinabi ko pa rin. 'Hindi na kita kilala.' Naiyak siya. Pinapanood ko lang siya habang sunod-sunod na pumapatak yung luha nya. Alam ko na nararamdaman nya yung sakit na nararamdaman ko. Pero tapos na akong umiyak. Tapos na rin akong masaktan. Naramdaman ko lang ang pagsisisi. Minahal ko siya pero hindi ko siya ipinaglaban... Hinayaan kong pigilan kami ng mga tao at ng mga pangyayari na magmahalan. Kahalo ng pagsisisi ay panghihinayang... Ang dami naming willing gawin para sa isa't-isa... It wasn't puppy love, it wasn't young love, pero it was love. The real deal. Pero pinalampas namin ang napakaraming pagkakataon. And as a result, the moments just... They just passed us by. Maybe, in the future, bigyan pa kami ng chance. Alam ko na lagi kong mamahalin si Alex. Hindi na mawawala yun. He was the one great love in my life. Lahat willing akong gawin para sa kanya. Tumayo ako at kinuha yung gym bag at armor ko. Umiiyak pa rin siya. Nginitian ko na lang siya, isang ngiting puno ng lungkot. 'See you around, Alex.'
Tuesday, April 27, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
top [url=http://www.c-online-casino.co.uk/]casino bonus[/url] hinder the latest [url=http://www.casinolasvegass.com/]las vegas casino[/url] manumitted no deposit bonus at the chief [url=http://www.baywatchcasino.com/]baywatchcasino
[/url].
Post a Comment